ROLLOUT NG P20/KILO NG BIGAS, PINILAHAN SA CEBU PERO PANSAMANTALANG SINUSPINDE NG DA

 


Dinagsa ng mga tao ang unang araw ng rollout ng P20 na kilo ng bigas sa Cebu nitong May 1.

Ngunit, pansamantala naman itong ipinatigil ng Department of Agriculture at ipagpapatuloy matapos ang 2025 midterm elections ngayong May 12, 2025 alinsunod sa direktiba ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon sa report, tanging 10 kilos ng bigas ang pinayagang ibenta sa kada mamimili partikular na sa mga senior citizens, solo parents, at PWDs (person with disabilities).

Sa Huwebes, kabuuang 500 sako ng bigas ang nakatakdang ibebenta sa probinsya ng Cebu.

Pinangunahan naman ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang rollout ng P20/kilo ng bigas habang nilinaw nitong wala munang ibebentang bigas hanggang sa matapos ang eleksyon.

Aniya, ang naturang hakbang ay para maiwasan na mabahiran ng pulitika ang nasabing programa.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog