Kasamang
nasawi sa nangyaring insidente sa Vancouver ang tatlong miyembro ng isang
pamilya.
Kinilala ang
mga biktima na si Richard Le, 47-anyos, asawa nitong si Lin Hoang, at ang kanilang
5-anyos na babaeng anak.
Ayon sa
kapatid ni Richard na si Toan Le, lumahok ang magpamilya sa Lapu-Lapu Day
Festival sa Vancouver, Canada nitong Sabado habang naiwan naman sa bahay ang
kanilang 16-anyos na anak.
Dead on the
spot si Richard at isinugod naman sa ospital ang mag-ina nitong si Linh at
Katie ngunit sabay ding binawian ng buhay kinalaunan dahil sa natamong mga
sugat.
Matatandaan,
halos nasa 11 katao ang namatay at ang ilan naman ay nasugatan matapos na
inararo ng isang drayber ang ginaganap na street festival sa Vancouver.
0 Comments