ISANG NPA MEMBER, PATAY SA ENGKWENTRO SA NEGROS ORIENTAL

 


Patay sa engkwentro ang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Humay-Humay, Guinhulngan City, Negros Oriental nitong Huwebes.

Nakilala ang namatay na si Tony Pahayay o mas kilala sa alyas “Aldren” o “Redol” sa tulong ng dating mga rebelde at informants mula sa komunidad.

Natagpuan ang bangkay ni Pahayay habang hawak ang isang Armalite rifle at nakasuot ng isang itim na damit na may emblem ng NPA.

Sinasabing humiwalay si Pahayay mula sa malaking grupo na binubuo ng siyam na armadong mga kalalakihan na nakipag-ugnayan sa mga tropa sa dalawang naunang labanan Huwebes ng umaga.

Narekober naman ng mga sundalo sa lugar ang M4 rifle, M16 rifle, ammunition, cooking utensils, personal belongings, at umano’y mga dokumentong nilalaman ang mga pagpapanira.

Dinala naman ang bangkay ni Pahayay sa punerarya para sa isang post-mortem examination ngunit wala pang kaanak ang pumunta para kunin ang katawan nito.

Samantala, nang mangyari ang engkwentro ay dali-daling nagsilikas ang nasa 52 pamilya at nananatili sa apat na evacuation centers sa lugar.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog