Nakatakdang irpoklama
ang mga nanalong senador sa Sabado sa Manila Hotel Tent City, ayon kay Comelec
Chairman George Erwin Garcia.
“Perhaps, by
the grace of God, this Saturday and Sunday, we hope to proclaim the [winning]
senators,” pahayag ni Garcia sa isang press conference.
Ngunit,
pinag-aaralan pa ng Comelec kung magsasagawa ng partial proclamation sa halip
na iproklama ang buong 12 na mga senador sa iisang araw.
Magiging
posible lamang ang buong pagproklama sa mga nanalong senador kapag wala nang
mga pagbabago na mangyayari sa mababang pwesto ng Magic 12.
Batay sa
partial and unofficial result ng Comelec, as of 8:09 a.m., nangunguna sa
listahan sina Bong Go na may 26,488,398 na boto at Bam Aquino na may 20,637,019
na boto.
Samantala, nasa
ika-12 na pwesto si Imee Marcos na may 13,037,730 at ika-13 naman si Ben Bitag
Tulfo na may 11,886,567 na boto.
0 Comments