Arestado ang 11 na indibidwal sa Mactan-Cebu International Airport sa pagdadala ng ilang mga bagahe na naglalaman ng pera na hindi idineklara ilang araw bago ang 2025 midterms elections.
Ayon kay PNP
spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo, binubuo ang 11 na nahuli ng
siyam na mga dayuhan at dalawang Pinoy.
Sinubukan
aniya nilang sumakay sa isang pribadong eroplano na patungong Manila nang
harangin sila sa isang baggage inspection.
Dito, nadiskubre
na sa halip na tatlong bag lamang ay may dalang pitong mga bag ang mga suspek
na hindi idineklara sa mga awtoridad sa paliparan.
Nabisto din
sa pamamagitan ng X-ray machine at inspeksyon ng Cebu Aviation Security Group
(AVSEGROUP ang grupo na may dalang malaking halaga ng pera sa iba’t ibang
denominasyon.
Kung saan,
ang kabuuang halaga nito ay umaabot sa P441,922,542, USD$168,730 (tinatayang P9.342
Million), at HKD$1,000 (tinatayang P71,000).
Nabisto din
ng AVSEGROUP na sinubukang bayaran ng grupo ang chief ng kanilang Cebu
operations.
Dahil dito,
mahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Commission on
Elections' ban sa pagkakaroon, pagdadala, o pag-transport ng per ana nagkakahalaga
ng mahigit P500,000 ilang araw bago ang eleksyon.
0 Comments