MAHIGIT 6K NA EMPLEYADO NG MICROSOFT, TINANGGAL SA TRABAHO



Nagsimula nang magbawas ng halos 6,000 na mga trabahador ang Microsoft nitong Martes dahil sa nakatakda itong gumastos para sa artificial intelligence (AI).

Kamakailan, nag-abiso na ang Microsoft sa mga opisyal sa Washington na magbabawas ito ng nasa 1,985 na mga empleyado kung saan karamihan sa kanila ay nasa software engineering at product management.

Sinabi ng Microsoft na ang naturang pagbabawas ng mga empleyado ay sa kabuuang levels at departments ngunit ang focus nito ay sa pagbabawas ng bilang ng mga managers.

“This is the first time I’ve had to lay people off to support business goals that aren’t my own,” ayon kay Scott Hanselman, vice president ng Microsoft’s developer community. 

“This is a day with a lot of tears,” dagdag nito.

Nilinaw naman ng kumpanya na bagama’t malaking tulong ang nagagawa ng AI sa Microsoft software engineers, hindi pa rin ito anila ang dahilan kung bakit kinakailangan nilang magbawas ng tao.

Samantala, hindi naman naging malinaw ang dahilan ng Microsoft sa kanilang desisyon na magbawas ng empleyado.


Post a Comment

0 Comments

Search This Blog