MATATAAS NA KALIBRE NG MGA ARMAS NG CTG, NAREKOBER SA ANTIQUE


 

Narekober ng mga sundalo ng 61st Infantry (Hunter) Battalion ang mga armas ng Communist Terrorist Group nitong Mayo 17, 2025 sa Sitio Mapa, Barangay Culyat, Valderrama, Antique.

Ayon sa Philippine Army Spearhead Troopers, isang nagngangalang alyas “Boy Negro”, isang dating miyembro ng Regional Sentro de Grabidad ng Komiteng Rehiyon – Panay at sumuko sa 61IB noong Abril 1, 2025, ang nagturo sa mga armas ng CTG.

Nang kanilang tinungo ang itinurong lokasyon ng mga armas, nadiskubre ng mga sundalo ang isang cache ng mga armas sa gitna ng kanilang combat operations. Kung saan, nilalaman nito ang limang matataas na kalibre ng mga baril kabilang na ang dalawang M16 brifles, isang M14 rifle, at dalawang AK-47 rifles.

Maliban dito, narekober din ang isang homemade shotgun, anti-personnel mines, mga bala, magasin, at ang bandila ng National Democratic Front (NDF).

Samantala, hinikayat naman ni Major General Michael G. Samson, Commander ng 3ID, ang publiko na patuloy na suportahan ang mga sundalo sa pamamagitan ng pakikibahagi ng mga nalalamang impormasyon upang tuluyang mapuksa ang KR-Panay.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog