Viral ang isang post tungkol sa isang dating school principal na natagpuang nangongolekta ng mga lumang karton bilang kaniyang hanapbuhay.
Ayon sa isang
netizen, nagulat ito nang makita ang kaniyang dating school principal sa elementary
na si Dr. Elvira Barcelo, 81-anyos, na namumulot ng mga lumang karton sa mga
kalye.
“Back then
she was always wearing high heels, lipstick and well-groomed hair. Full of
life. Her name alone is so strong,” mababasa sa caption ni Clarisse.
Ngunit sa kabila ng pagbabago sa pisikal na anyo at pamumuhay ng dating principal, hindi pa rin nito nasusukat ang dignidad ng isang tao.
“Work is
work. If it’s honest, there’s dignity in it,” ani ni Dr. Barcelo sa kanilang pag-uusap.
Narito pa ang
ilang mga naisip at naging reflections ni Clarisse sa kanilang pagtatagpo ng
dating school principal.
“Life is
unpredictable.” Sinabi ni Dr. Barcelo na hindi nito na-imagine na hahantong sa
ganito ang kaniyang retirement.
“Life doesn’t
always follow the script we write. Her message wasn’t one of fear, but of
preparation and gratitude — live humbly, save when you can, and never take your
current position for granted,” pahayag naman ni Clarisse.
“Learning
never ends,” dagdag pa ni Dr. Barcelo na patuloy siyang natututo araw-araw.
“Every day I
meet people I wouldn’t have talked to in my old life. I’ve learned more about
life from the streets than I did in any staff room.”
“Service can
take many forms.” Though no longer in a classroom, she still shares stories,
encourages children she meets, and offers advice when asked. “She hasn’t
stopped being a teacher — she’s just teaching in a different way now.”
Sa kahulihan
ng post ni Clarisse, nanawagan ito sa mga nakaalala kay Dr. Barcelo at mga
naging estudyante nito na tulungan siya.
“Although
she's not asking for it, but as the saying goes "Ang paggawa ng mabuti ay
walang maidudulot na masama," anito.
0 Comments