LALAKING WALANG SAPLOT, NATAGPUANG NAKASABIT SA LANDING GEAR NG ISANG EROPLANO SA NAIA

Iniimbestigahan ng mga awtoridad kung paano nakalusot sa seguridad sa NAIA Terminal 1 ang isang lalaking walang saplot na natagpuang nakasabit sa landing gear ng nakaparadang commercial aircraft sa Gate 6 noong Mayo 6.

Sa ulat, ang naturang eroplano ay late na nang dumating at sumasailalim sa isang routine maintenance checks bago ang naka-scheduled nitong flight nang matagpuan ang lalaki.

Maswerte namang walang sakay na pasahero ang eroplano at nananatiling naka-grounded habang sinusunod ang safety protocols.

Natagpuan naman ng naka-duty na private airline security guard ang lalaki na walang saplot at nababalutan ng putik na nakasabit sa landing gear ng isang eroplano.

Mabilis na rumesponde sa lugar ang Airport Police at kusang sumama sa kanila ang lalaki.

Agad namang ikinustodiya ang lalaki at dinala sa Pasay General Hospital para sa medical at psychological evaluation.

Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eric Jose Ines, ang nasabing insidente ay nagdulot ng pagkabahala dahilan na sinusuri nilang mabuti kung paano nakalusot sa seguridad ang lalaki.

Hinala ng mga awtoridad na posibleng dumaan ang lalaki sa isa sa mga drainage canal na pumapalibot sa runway dahil sa mga putik na nakabalot sa katawan nito.

Dahil dito, pinahihigpitan ng paliparan ang kanilang seguridad upang maiwasan ang kaparehong insidente.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog