FIL-AM, ARESTADO SA CALIFORNIA MATAPOS DUKUTIN ANG ISANG 10-ANYOS NA BATANG BABAE NA KANIYANG NAKILALA SA ROBLOX

 


Arestado ang isang lalaking Filipino-American matapos umano nitong dinukot ang isang 10-anyos na batang babae na kaniyang nakilala sa isang online gaming platform na Roblox.

Si Matthew Macatuno Naval, 27-anyos, ay inaresto noong Abril 13 at kasalukuyang nakakulong sa Kern County Jail na may pyansang $1.35-milyon.

Nahaharap si Naval sa mga kaso ng kidnapping, lewd at lascivious acts with a child under 14, at attempting to exhibit harmful material sa isang minor.

Ayon sa mga dokumentong nakuha ng korte, kinuha ni Naval ang batang babae sa maliit na Southern California city ng Taft matapos itong maka-chat online.

Naniwala ang bata na pupunta lamang sila sa isang malapit na park ngunit umabot ang dalawa sa mahigit 250 miles ang layo mula sa Elk Grove, malapit sa Sacramento sa Northern California.

Hindi naman namalayan ng bata na tila malayo na pala sila habang nasa loob ng sasakyan.

Iniulat ng mga magulang ng bata na ito’y nawawala dahilan na gumamit ito ng isang tracking app upang ma-trace ang phone nito sa isang hotspot na may pangalang “Matthew’s iPhone”.

Iniugnay din ng mga awtoridad si Naval sa isang Roblox unsername na natagpuan sa listahan ng mga kaibigan ng bata.

Nang tanungin ang suspek, inakala nitong isang 18-anyos ang batang babae at nanindigang walang nangyari sa kanila.

Ngunit, lumalabas sa mga ebidensya ng korte na naghalikan ang mga ito at plinano nitong ituloy ang sexual activity kapag pumayag ang bata.

Sinubukan din ng suspek na mag-check-in sa isang hotel ngunit tinanggihan sila nang bigong magpakita ng dalawang uri ng IDs.

Sinabi naman ng abogado ni Naval na mayroon itong autism spectrum at medyo hirap sa pag-intindi at nais lang nitong makipagkaibigan.

Inilabas din ng korte na mayroong isang post ang bata na, “First time getting kidnapped, lmao,” habang ipinapakita ang view mula sa sasakyan.

Samantala, nakatakdang bumalik sa korte si Naval sa buwan ng Hunyo para sa isang preliminary hearing.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog