DATING VIETNAMESE BEAUTY QUEEN, ARESTADO DAHIL SA "CONSUMER FRAUD"

 



Arestado ng mga awtoridad ang Vietnamese beauty queen na si Nguyen Thuc Thuy Tien dahil sa panloloko sa mga consumer matapos mag-promote ng mga gummies na umano’y isang fiber supplement.

Sa ulat, ibinebenta online ng dating beauty queen ang mga gummies na mayaman daw sa fiber ngunit nang subukan ang produkto ay hindi pala ito totoo.

Ayon sa mga imbestigador, ang naturang produkto na ipino-promote ni Nguyen ay resulta ng pakikipag-partner nito sa isang kumpanya na sinet-up ng dalawang influencers.

Sinasabing ang bawat piraso ng Kera Supergreens Gummies ay naglalaman ng fiber na katumbas ng isang plato ng mga gulay.

Ngunit, nang suriin sa isang laboratoryo ay dito nadiskubre na ang gummy ay naglalaman lamang ng 16mg ng fiber, malayo sa sinasabi nilang 200mg.

Agad namang nagsagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad at kanilang natagpuan na mga sub-standard na mga sangkap pala na mababa sa fiber ang kanilang ginamit sa paggawa ng mga gummies.

Hindi din nakalagay sa packaging ng produkto ang fiber content nito, maging ang pagkakaroon ng mataas na libel ng sorbitol na karaniwang ginagamit sa laxatives.

Minultahan naman ang tatlong influencers at nag-public apology.

Nabatid na si Nguyen ay nanalong Miss Grand International 2021 at naging celebrity na pinag-aagawan ng mga Vietnamese brands pati nagkaroon din ito ng appearance sa ilang reality TV shows.

Nakatanggap din ng certificates of merits mula sa prime minister at namumunong Communist Party ng Vietnam.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog