$16-MILYONG GRANT, IBINIGAY NG KOICA PARA SA MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA SA PILIPINAS

 


Naging mag-partner ang Pilipinas at South Korea para ipatupad ang $16-milyong pondo para sa dalawang proyekto na naglalayong mai-promote ang aquaculture development at community-based agribusiness.

Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Agriculture na ang naturang pondo na nilagdaan kasama ang Korea International Cooperation Agency (Koica) ay makakatulong sa mas mabilis na implementasyon ng multiyear na mga proyekto para sa mga magsasaka at mangingisda.

Ang unang proyekto ay tinawag na Capacity Building on Aquaculture Development for Income Increase of Fisherfolk sa probinsya ng Guimaras.

Layunin ng nasabing proyekto na taasan ang sahod ng mga mangingisda sa pamamagitan ng pagpapatibay ng aquaculture production at ang value chain.

Habang, ang ikalawang proyekto ay ang $6-milyon Development of Community-Based Agribusiness to Improve the Livelihood and Income of Marginal Farmers sa Central Luzon.

Nilalayon nitong pag-iba-ibahin ang mga pinagkukunan ng kita ng mga magsasaka at palakasin ang kanilang mga aktibidad.

Sa ilalim ng naturang proyekto, nakataktang itatayo ang agribusiness incubation center sa Zambales habang mas pang aayusin ang DA Technology Business Incubation facility sa Tarlac.

Matatandaang nagbigay ng $20.78-milyong pondo ang Koica sa Pilipinas para sa tatlong mga proyekto na kasalukuyang ipinapatupad ng DA: agri-mechanization development, smart agriculture at dairy herd improvement.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog