WINWYN MARQUEZ, NAG-UWI NG 9 NA SPECIAL AWARDS SA PRELIMINARIES NG MISS UNIVERSE PHILIPPINES 2025

 


Hakot-award si Winwyn Marquez sa ginanap na preliminary ng Miss Universe Philippines 2025.

Ilan sa mga nakuha ni Muntinlupa representative ang Miss Jell Life, Miss Clinique de Paris, Miss Aqua Boracay, Miss Wuling, Miss New Moon, Miss Mags, Miss Wendy’s, Miss So-en, at Miss Zion Philippines.

Habang, parehong nag-uwi ng apat na special awards sina Ahtisa Manalo ng Quezon Province, at Yllana Marie Aduana ng Siniloan, Laguna.

Nakatanggap din ng special awards sina Taguig’s Ma. Katrina Llegado, Sultan Kudarat’s Chelsea Fernandez, Siargao’s Millien Joy Cabigas, at Iligan City’s Juliana Fresado.

Samantala, nakatakda naman ang national costume competition ng naturang pageant ngayong araw, Abril 30 sa Okada, Manila.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog