17 APLIKANTE, MAG-AAGAWAN PASA SC JUSTICE POST

 


Inanunsyo ng Judicial and Bar Council (JBC) ang 17 aplikante na uupo para sa mababakanteng pwesto sa Korte Suprema associate justice.

Ito’y matapos na nakatakdang magretiro si Associate Justice Mario Lopez sa darating na Hunyo 4.

Ang 17 aplikante ay isasailalim ng JBC sa screening at public interview sa May 14, 15, 16, at 21.

Kaugnay nito, ang publiko ay maaaring magsumite ng sworn complaint, report o pagtutol laban sa sinumang mga aplikante nang hindi lalagpas sa alas-4:30 ng hapon ng May 9.

Kinilala ang mga kandidato na sina CA Presiding Justice Fernanda Lampas-Peralta; CA Justices Nina Antonio-Valenzuela, Ramon Bato Jr., Ramon Cruz, Maria Elisa Diy, Carlito Calpatura, Myra Garcia-Fernandez, Ronaldo Roberto Martin at Walter Ong.

Kasama ding nag-apply sa posisyon sina Sandiganbayan Justices Karl Miranda at Ronald Moreno at Court of Tax Appeals Justice Maria Rowena San Pedro.

Maging sina SC Court administrator Raul Villanueva, UP Law dean Darlene Berberabe, Philippine Permanent Representative to the World Trade Organization Manuel Teehankee, lawyer Maria Rosario Bernardo at dating law dean Maria Concepcion Noche ay nag-apply din sa mababakanteng pwesto.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog