RESORT NA MAY PAGKAKAHAWIG SA BUWAN, PLANONG ITAYO SA DUBAI

 


Nakatakdang magbubukas sa 2027 ang isang napakabonggang resort sa Dubai.

Kung saan, naka-highlight dito ang memorableng karanasan ng mga bisita na tila sila’y nasa buwan.

Tampok sa Moon World Resorts ang hugis dome na gusali at moon-inspired resorts.

Ang naturang resort ay may laki na nasa 622-meter spheres na nag-aalok ng luxury experience, tampok ang replica ng lunar surface, restaurants, spas, at maging ang convention center.

Naniniwala si co-founder Michael R. Hinderson na ang nasabing proyekto ang magpapabago sa space tourism.

Maliban sa Dubai, nakaplano ding magpapatayo ng kaparehong resorts sa North America at Europe.

Sa halagang $500 ay personal nang masasaksihan at maranasan ang aktwal na pag-explore sa buwan kumpara sa space travel.

Samantala, nagkakahalaga ang proyekto ng halos $5-bilyon na naglalayong mabigyan ang mga byahero ng futuristic, once-in-a-lifetime experience at gawing accessible sa lahat ang buwan.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog