OVERSEAS FILIPINOS, NAGSIMULA NANG BUMOTO PARA SA 2025 MIDTERM ELECTIONS


 

Umarangkada na ang botohan ng mga Pinoy sa abroad para sa uupong bagong mga senador at party-list representatives ngayong araw ng Linggo para sa 2025 midterm elections.

Mahigit 1.2-milyong mga Pilipino sa ibang bansa ang boboto sa pamamagitan ng internet voting.

Nagsimula nang magsidatingan sa New York consulate ang mga rehistradong botante upang mag-enroll at bumoto gamit ang nakatalagang kiosk para sa online voting.

Ayon sa New York Consul General Senen Mangalile, naka-standby na ang mga consulate personnel na mag-a-assist sa mga botante para sa bagong teknolohiya na gagamitin sa pagboto.

Mananatiling bukas naman mula Lunes hanggang Linggo ang naturang kiosk upang tumulong sa mga botante kapag mayroong mga aberya sa gitna ng pagboto.

Samantala, mahigit 31,000 overseas voters sa buong 10 East Coast states ang sakop ng Philippine Consulate General sa New York.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog