HUMIGIT-KUMULANG 24 KATAO, PATAY SA PAG-ATAKE NG ISRAEL SA GAZA STRIP

 



Dose-dosenang mga kababaihan at mga bata ang namatay sa pag-atake ng Israel sa Gaza Strip nitong Linggo.

Ito’y kasunod ng pagtatapos ng ceasefire sa gitna ng Hamas at Israel nitong nakaraang buwan dahilan na ibinalik ng Israel ang kanilang opensa at naglunsad ng mga pag-atake sa teritoryo ng Hamas.

Nais ng Israel na i-pressure ang militanteng grupo na tanggapin ang bagong deal para sa ceasefire at mapalaya ang mga natitirang hostage.

Hinarangan din nito ang pag-angkat ng mga pagkain, langis, at humanitarian aid para sa mga teritoryong nasa baybayin na malayo sa kabihasnan.

Buong gabi na inatake ng Israeli ang mga tent at bahay sa southern city ng Khan Younis na ikinamatay ng limang kalalakihan, limang babae at limang mga bata.

Nadamay din sa mga namatay ang isang babaeng journalist.

Samantala, nakatakda namang tumungo si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa Estados Unidos upang makipagkita kat Presidente Donald Trump at pag-uusapan ang kasalukuyang gulo sa dalawang bansa.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog