RADIO BROADCASTER, ARESTADO SA KASONG PANGINGIKIL

 


Arestado ang isang radio broadcaster matapos nahuling nangingikil sa isang politiko sa Valencia, Bukidnon.

Nakilala ang suspek sa pangalang “Liezel” na nakabase sa Bukidnon, Cagayan de Oro City at Kidapawan sa Cotabato.

Dinakip si Lezel ng mga agents ng National Bureau of Inverstigation-Northern Mindanao matapos itong tumanggap ng nasa P350,000 mula kay Guillermo de Asis sa Barangay Lumbo.

Ayon sa NBI, nag-demand ng P500,000 si Liezel kay De Asis kapalit ng pagtigil nito sa pagbabatikos sa kaniyang programa sa radyo.

Si De Asis ay miyembro ng city council at tumatakbong alkalde sa darating na 2025 midterm elections sa buwan ng Mayo.

Pahayag ni De Asis, pumayag si Liezel na P350,000 ang maibigay nito dahil sa hindi niya kayang magbigay ng P500,000 tulad ng hinihingi nito.

Nang maibigay ang pera ay nangako naman ang journalist na titigil na ito sa pambabatikos sa nasabing politiko. Ngunit nagdesisyon ang politikong si De Asis na humingi ng tulong sa NBI kaugnay dito.

Napag-alaman na si Liezel ay tila binayaran upang magpakalat ng kasinungalingan laban kay De Asis kung saan pinapalabas itong corrupt.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog