Kinasuhan ng
Taiwan ang kapitan ng isang barko na pagmamay-ari ng isang Chinese matapos ang
umano’y pagputol nito sa undersea telecoms cable mula sa nasasakupang isla.
Sa ulat,
kinasuhan si Wang ng paglabag sa Taiwan's Telecommunications Management Act for
"destroying submarine cable-related facilities".
Ito’y matapos
maispatan ang cargo ship na Hongtai ni Wang na umaaligid sa six nautical miles
northwest ng Jiangjun Fishing Port.
Agad silang
nasita ng coast guard matapos na makitang ang kable na kumukunekta sa Penghu
archipelago at Taiwan ay naputol.
Ayon sa prosecutor,
sinabi ni Wang na inatasan nito ang kaniyang mga crew na ilabas ang anchor claw
sa tubig at nilinaw nitong wala siyang intensyon na sirain ang undersea cable.
Dagdag pa
rito, iginalaw pa umano ni Wang ang barko ng pa-zigzag sa taas ng cable at gumamit
ng anchor claw upang putulin ang nasabing kable.
Nasira at nagdulot
ng epekto ang naturang insidente sa komunikasyon sa pagitan ng Taiwan at
Penghu.
Samantala,
kapag napatunayang nagkasala si Wang ay mahaharap ito sa humigit-kumulang
pitong taong pagkakakulong habang hindi naman sasampahan ng kaso ang pito pang
crew members.
0 Comments