Ibinunyag ng
singer na si Klarisse de Guzman ang kaniyang pagiging bisexual sa isang episode
ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition nitong Miyerkules.
Kasabay nito,
isinapubliko din ng singer ang pagiging suportado ng kaniyang girlfriend na si
Christina Rey.
Sa isang
segment ng PBB na parte sa task ng celebrity house guest na si Michelle Dee, isa-isang
nagbunyag ng kani-kanilang katotohanan sa sarili ang mga housemates.
Isa na rito
si Klarisse de Guzman na umamin sa totoo nitong pagkatao at ‘yun ay ang
kaniyang pagiging bisexual.
Ibinahagi din
ni Klarisse sa publiko ang apat na taon nitong relasyon kay Christina Rey na
kasalukuyang nag-aalaga ng kaniyang nanay.
Matapos ang
anunsyong it oni Klarisse, nagpahayag ng pagsuporta ang girlfriend nito sa
isang Facebook post.
“I AM PROUD
OF YOU! I’m always here, always! I’ll wait u here sa outside world. Love wins,”
saad sa post.
Nauna nang
inamin ni Klarisse na napangunahan ito ng takot mula sa panghuhusga at baka iwan
siya ng mga tagahanga nito.
Ngunit, sa
kabila nito, ipinagpapasalamat ng singer na tinanggap siya ng buo ng kaniyang
pamilya at tila nakaramdam ng pagiging malaya matapos na sabihin ang
katotohanan sa kaniyang pagkatao.
“Napakasarap
po sa pakiramdam na ito po pala ‘yung pakiramdam ng pagiging malaya,” she said.
“Hindi na ako takot, wala na akong kinakatakutan. Sana tanggap pa rin ako ng
mga tao, ‘yun lang naman ang prayers ko.”
0 Comments