GATAS NG IPIS, MAS MASUSTANSYA KAYSA SA GATAS NG BAKA?

 


ALAM NIYO BA | Mas masustansya ang gatas ng ipis kaysa sa gatas ng baka?

Nadiskubre ng mga siyentipiko sa isang pag-aaral na tatlong beses na mas masustansya ang gatas ng ipis kaysa sa gatas ng baka.

Ayon sa isang pag-aaral noong 2016 na inilathala ng Journal of the International Union of Crystallography, natagpuan sa gatas ng ipis na nagtataglay ito ng tatlong beses na calories ng isang buffalo milk. Kung saan, ang buffalo milk ang may pinakamayamang calories sa mga mammal na lumalabas ng gatas.

Naka-packed din ang naturang gatas ng ipis ng essential nutrients na kinabibilangan ng proteins, amino acids, fats, at sugars.

Paano nga nakakapag-produced ng gatas ang mga ipis?

Hindi tulad ng mga karaniwang ipis, ang Pacific beetle cockroach ay hindi nangingitlog. Kundi, nanganganak ito ng katulad sa baka.

Upang mapangalagaan ang mga embryo nito, ang ina ay naglalabas ng maputlang dilaw, parang gatas na likido sa loob ng kanyang brood sac. Ang likidong ito ay nagiging kristal sa mga tiyan ng mga supling, na bumubuo ng maliliit, kumikinang na mga kristal na mayaman sa protina.

Ang mga kristal na ito ay nakakuha ng atensyon ng mga siyentipiko dahil sa kanilang hindi pangkaraniwang nutritional profile.

Sa kabila ng kahanga-hangang sustansya na taglay nito, hindi pa maaaring gamitin ng mga tao ang gatas ng ipis.

Maikukunsiderang ‘superfood’ ang gatas ng ipis dahil sa mataas nitong protina at caloric content na sumobra pa sa gatas ng baka.

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog