ALAM NIYO BA
| May kakayahang makakilala at makaalala ang mga honeybees o bubuyog ng mukha
ng tao sa kabila ng 0.01% lamang na neurons na mayroon ito kumpara sa tao.
Kung ang mga
tao ay umaasa sa specialized brain region na tinatawag na fusiform gyrus na
tumutulong na makakilala sa mukha ng tao, wala nito ang mga bubuyog pero kaya
pa din nilang maalala ang mukha ng tao.
Sa isang
eksperimento na pinangunahan ni visual scientist Adrian Dyer mula sa Cambridge
University, sinanay ang mga bubuyog na iugnay ang mukha sa isang reward
hanggang sa nakakuha ito ng 90% na resulta kahit na walang gantimpala.
Napabilib ang
nasabing siyentipiko nang nagawang maalala ng mga bubuyog ang isang mukha at
tumatagal pa ng hanggang dalawang araw.
Samantala, namangha
naman ang mga netizen sa ganitong cognitive ability na taglay ng mga bubuyog
lalo na’t mayroon lamang silang maliit na utak.
0 Comments