PINAKAMATANDANG ASTRONAUT NG NASA, NAGDIRIWANG NG ISANG MILESTONE NA KAARAWAN


 

Nagdiriwang ng ika-70th kaarawan ang pinakamatandang astronaut ng NASA na aktibo pa ring tumatakbo patungo sa Earth sakay ng pababang spacecraft.

Tinatapos ni Don Pettit ang pitong buwang misyon na sakay ng International Space Station (ISS) kasama ang dalawang Russian cosmonauts.

Ayon sa space agency Roscosmos ng Russia, ang Soyuz MS-26 na sinakyan nina Pettit at dalawang Russian cosmonauts na sina Alexei Ovchinin at Ivan Vagner ay lumapag malapit sa bayan ng Kazakh ng Zhezkazgan.

Halos 220-araw na nanatili sa kalawakan sina Pettit at mga crewmate nito kung saan inikot nila ang Earth ng 3,523 beses at nakumpleto ang kanilang paglalakbay na 93.3 milyong milya sa kabuuan ng kanilang misyon.

Napag-alaman na ito na ang ikaapat na paglipad sa kalawakan ni Pettit, kung saan naka-record ito ng mahigit 18-buwang sa orbit sa kabuuan ng kanyang 29-taong karera.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog