Usap-usapan ngayon sa social media ang umano’y breakup nina Kobe Paras at Kyline Alcantara matapos mapansin ng mga netizen na in-unfollow ng aktres ang nobyo nito sa isang online platform.
Nagsimula ang
ugong ng hiwalayan kina Kobe at Kyline nang mapansin ng mga Internet users na
wala na ang couple photos ng dalawa sa kani-kanilang Instagram accounts.
Kabilang na
rito ang kanilang Palawan trips at maging ang larawan ng panonood ng basketball
game sa Los Angeles sa Califonia.
Ngunit,
mariin naman itong itinanggi ng ama ni Kobe na si Benie Paras at sinabing “Sila
pa rin”.
Samantala, kinumpirma
ng dalawa ang kanilang relasyon noong Nobyembre 2024.
0 Comments