Ni-rescue ng
Philippine Coast Guard nitong Sabado ang isang 23-anyos na babae matapos na
matagpuang nakahandusay sa dalampasigan pasado alas-5 ng hapon ng nasabing
araw.
Sinasabing nilangoy ng babae ang dagat mula sa Coaco Beach sa Barangay Pampanga, Davao City papunta sa Samal Island.
Kung saan, humigit-kumulang 1.8-kilometro ang layo ng nilangoy nito sa lalim na 100-talampakan.
Ayon kay LTJG
Vasit Venturillo, CGS IGACOS Station Commander, isang himala aniyang naabot
nito ang Samal sa distansya ng lugar at sa lalim nito.
Agad namang
dinala sa Sub-Station Caliclic ang babae upang mabigyan ng atensyong-medikal at
pagkain.
Ang naturang babae ay residente ng Barangay Panyalom, Paguibato District at bumitiw sa kaniyang trabaho bilang Domestic Helper.
Samantala,
itinurn-over ang 23-anyos na babae sa Department of Social Welfare and
Development (DSWD) Region 11 upang mabigyan ng kinakailangan nitong tulong.
0 Comments