Nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) sa lahat ng national at local na mga kandidato ng May 12 midterm elections na hindi pinapayagan ang pangangampanya sa panahon ng Semana Santa.
Idiniin ni
Comelec Region 6 director Atty. Dennis Ausan na ang naturang pagbabawal ay
nakasaad sa Republic Act 7166 at iba pang kaugnay na resolusyon. Kung saan,
ituturing na seryosong pagkakasala ang sinumang mangangampanya sa mga araw ng
Abril 17 at 18.
Aniya pa,
sinumang mahuhuli na nangangampanya sa panahon ng Semana Santa ay maaari silang
kasuhan alinsunod sa inilabas na alituntunin ng Comelec.
Bagama’t ito’y
may piyansa pero kapag napatunayan ang pagkakasala ay hindi na probationable
ang parusa at kulungan ang bagsak nito.
Samantala,
magpapatuloy muli ang aktibidad ng pangangampanya sa Abril 19, Black Saturday.
0 Comments