Kinondena ng Office
of the Civil Defense ang maling paggamit ng emergency cell broadcast system
(ECBS) para sa pangangampanya ngayong paparating na May 2025 Midterm Elections.
Ito’y kasunod
ng mga insidenteng nakakatanggap umano ang mga residente sa isang probinsya ng
emergency alerts na naglalaman ng pangalan ng isang kandidato na tumatakbo para
sa paparating na eleksyon.
Ayon sa
ahensya, ang Sistema ay dinisenyo para lamang sa pag-isyu ng mga babala at
dapat gawin tuwing may mga sakuna tulad ng lindol, bagyo, at iba pang banta sa
publiko.
Dagdag pa ng
ahensya, nakakatanggap din anila sila ng kaliwa’t kanang mga reports na ang mga
residente ay nakatanggap ng ECBS alerts na may lamang political content at
humihikayat na iboto ang isang kandidato.
Kinumpirma
din ng mga kumpanya ng telco providers na hindi nila ginagamit ang ECBS sa mga
non-emergency alerts messages at maging sa pangangampanya.
Sa ngayon,
ini-refer na ang insidente sa National Telecommunications Commission (NTC) at
isinailalim na sa imbestigasyon.
0 Comments