4 PATAY SA SUNOG SA LAS PIÑAS

 


Patay ang isang pamilya sa nangyaring sunog sa isang residential area sa Barangay Pulang Lupa Uno, Las Piñas City nitong Lunes ng madaling-araw.

Ayon sa Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR), ang mga biktima binubuo ng mag-asawa at dalawang anak na may edad na 17-anyos at 3-anyos.

Sinasabing nasa ikalawang palapag ang mga biktima nang mangyari ang sunog at biglang bumagsak ang mezzanine.

Aberya sa electrical wiring o overheat ng mga appliances ang posibleng sanhi ng sunog, ayon sa BFP.

Samantala, aabot naman sa P600,000 ang tinatayang na halaga ng napinsala ng sunog.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog