OFW DISMAYADO SA CEBU PACIFIC MATAPOS MA-DELAY ANG FLIGHT AT MAIWAN NG EROPLANO PATUNGONG DOHA, QATAR

 


Dismayado ang isang overseas Filipino worker (OFW) sa isang airline company matapos ang malalang pagka-delay ng domestic flight nito noong Sabado na naging dahilan na hindi ito nakaabot sa kaniyang schedule para sa isang international flight mula Manila patungong Doha, Qatar.

Ayon sa Facebook post ni Ninz O. Tagle, nakapag-booked ito ng Cebu Pacific Flight mula sa Iloilo papuntang Manila sa oras na alas-8:05 ng umaga.






Ngunit, itinigil ang boarding bandang alas-7:30 ng umaga matapos ianunsyo ng nasabing airline na ang flight ay na-overbooked.

Nag-alok naman ang Cebu Pacific sa mga pasahero ng travel vouchers at cash incentives upang boluntaryong ibigay ang kanilang upuan ngunit walang pahayag kung mayroon bang pasahero ang tumanggap sa naturang alok.

Nang mag-8:00 am na, tila nababahala na si Tagle dahil sa nakatakda ang flight nito ng 1:00 pm sa Philippine Airlines (PAL) patungong Doha. Nagdesisyon itong humingi ng tulong sa staff ng Cebu Pacific na nangakong uunahin nila ang mga pasaherong may international flights.



Subalit, lumipas ang ilang oras ay wala pa ring aksyon na natatanggap si Tagle dahilan na nakaramdam na ito ng pagkainis.



“It’s like they just left me to fix everything on my own,” saad nito. “They handed me a calling card for PAL and told me to email them about my situation. I couldn’t believe it. I lost my flight because of their delay, but I was the one running around asking for help.”

Nang sinubukan nitong kontakin ang PAL, mas lalo pang lumala ang sitwasyon dahil sa sinisingil ito ng halos P70,000 kung sakaling mag-rebooked lalo na’t tanging business class seat lamang ang available.

“We are just ordinary OFWs,” reklamo ni Tagle. “If you exceed baggage allowance by just one kilogram, airlines will charge you hundreds of pesos. But if you miss your flight because of them, it seems they think saying ‘sorry’ is enough.”

Wala pang komento ang Cebu Pacific kaugnay rito.


Post a Comment

0 Comments

Search This Blog