MISAMIS ORIENTAL GOV. PETER UNABIA, KINASUHAN NG DISQUALIFICATION - COMELEC

 


Kasong disqualification ang isinampa ng Commission on Elections (Comelec) kay Misamis Oriental Governor Peter Unabia dahil sa umano’y panghuhusga o diskriminasyon sa gitna ng pangangampanya.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ang Task Force on Safeguarding Against Fear and Exclusion in Elections ang nagsumite ng kaso Office of the Clerk.

Nauna nang inisyuhan ng show cause order si Unabia sa umano’y paglabag nito sa Comelec Resolution No. 11116 na nagsasaad ng anti-discrimination at patas na panuntunan sa pangangampanya.

Kung matatandaan, sa gitna ng campaign rally ni Unabia ay nagbitiw ito ng programang ipapatupad partikular na sa mga nursing student. Ngunit, ang target lamang ng programa ay para lamang sa mga “magagandang” babaeng nursing student, bagay na inalmahan ng karamihan.

Inakusahan din si Unabia na nagpahayag na posibleng magdulot ng banta sa seguridad ang Maranaos sa Misamis Oriental kapag natalo sa halalan ang anak nito kontra sa kandidatong kasado sa isang Maranao politician.

Samantala, depensa ni Unabia na ang kaniyang mga binitiwang salita ay alinsunod sa protektadong political speech na naglalayong itaguyod ang transparency at hikayatin ang publiko na makipag-ugnayan.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog