2 SUPEK NG KIDNAPPING AT CARNAPPING, NASAKOTE NA NG PULISYA

 




Arestado ang dalawang lalaking suspek na sangkot sa kidnapping ng hindi dokumentadong mga babaeng Chinese sa Pilipinas.

Ito’y matapos ma-tracked ng mga awtoridad ang lokasyon ng mga suspek gamit ang isang rental car na ginamit ng mga ito sa kamakailang pagdukot.

Ayon sa Manila Police District, mahaharap sa mga kasong kidnapping at carnapping ang mga suspek.

Sinasabing dinala ang biktima sa isang resthouse sa Tagaytay City habang ito’y nakapiring at tila binugbog.

Mayroon din itong ransom video na nai-record noong Abril 20 at ipinadala sa co-worker nito.

Sa report, sinabi ni MPD Station 9 commander Police Lt. Col. Alfonso Galigumba III na hinarass tsaka sinaktan ng mga suspek ang biktima upang mapilitan itong magbigay ng ransom money kapalit ng kanilang paglaya.

Dagdag pa rito, nagawang makakolekta ng tinatayang na P650,000 na halaga ang mga suspek bago nila pinakawalan ang mga biktima sa isang mall sa Parañaque City noong Abril 24.

Tinangay pa ng mga suspek ang mamahaling sasakyan ng biktima sa pinagtatrabahuhan nito na kinalaunan naman ay narekober na.

Nadiskubre na isang Pinoy at Taiwanese national ang mga nahuling suspek.

Samantala, inilantad ng mga pulis na ang utak pala sa insidente ay isang Chinese national na kasalukuyang nakakulong at dating nauugnay sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog