Patay ang
mag-lola matapos silang pagtatagain habang natutulog sa kanilang bahay sa
Compostela, Cebu.
Sa ulat, magkatabing
natutulog ang lola na 68-anyps at ang apo nitong 5-anyos nang bigla nalang
silang pinasok ng suspek tsaka pinagtataga.
Maliban dito,
tatlong iba pa ang nasugatan ng suspek sa pananaga.
Agad naman
siyang sinugod ng mga tao at binugbog.
Ayon kay PSMS
Junrey Frias, lead investigator, Compostela Police Station, pinagplanuhan ng
suspek ang ginawang krimen na posibleng matindi ang galit sa mga biktima.
Sinasabing
gumagamit din umano ito ng ilegal na droga.
Sa ngayon ay
nakatakdang sampahan ng kasong murder ang suspek na ikinustodiya ng Compostela
Police Station.
0 Comments