Arestado ang
isang lalaki sa Malaysia matapos umano nitong inatake ang babaeng drayber nitong
Marso 29.
Ayon sa ulat,
nagsimula ang pananakit ng suspek sa biktima matapos ang isang aksidente kung
saan, biglang tumawid sa kalsada ang pamilya ng suspek nang aksidenteng tinamaan
ang asawa ng suspek at mga anak nito dahil sa alanganing paghinto ng minamanehong
sasakyan ng biktima.
Dito na
sinugod ng suspek ang biktima na nagtamo ng galos sa kaniyang kanang tadyang at
pamamaga sa likod ng kaniyang ulo.
Habang, nagtamo
naman ng mga minor injuries ang mag-ina ng suspek.
Samantala,
agad na nakalaya ang suspek mula sa pagkakaaresto matapos na makapagbayad ng
piyansa sa pulisya.
0 Comments