Nananatiling
nawawala ang apat na mga Pinoy sa Myanmar kasunod ng nangyaring 7.7-magnitude
na lindol sa lugar nitong Biyernes.
Ayon sa Department
of Foreign Affairs, hindi lang dalawang Pinoy ang naitalang nawawala kundi
apat.
Kabilang sa
mga nawawala ang mag-asawang naninirahan sa isang gusali na gumuho sa gitna ng
lindol.
Sinabi pa ng
DFA na ang lahat na mga indibidwal na nawawala ay mga professional kung saan
ilan sa kanila ay mga guro at nagtatrabaho sa opisina.
Maliban dito
ay wala pang mga kamag-anak mula sa Pilipinas ang nakipag-ugnayan sa embahada
para sa impormasyon ng mga nawawalang Pilipino.
Matatandaang,
nagdulot ng malawakang pagkasira sa ilang mga pasilidad at gusali sa Myanmar ang
naramdamang lindol kung saan mahigit 1,600 katao ang namatay habang may ilang
sugatan at pinaghahanap sa nasabing bansa.
0 Comments