Nagtangkang tumakas
sa mga awtoridad at sa batas ang isang 40-anyos na lalaki matapos nitong
lunukin ang mga ebidensya sa bang Phli, Thailand.
Sa ulat, nasa
gitna ng pagpapatrolya ang dalawang pulis nang mapansin ang isang sasakyan na naka-park
sa gilid ng kalsada. Agad namang naghinala ang mga pulis ngunit nang lapitan ay
kumaripas naman ng takbo ang nasabing sasakyan.
Hinabol ng
mga pulis ang sasakyan at nang maipit sa traffic ay agad na bumaba ang lalaki tsaka
tumakbo dala-dala ang isang supot na kaniyang isinubo, nginuya at tsaka nilunok.
Makaraan ang
ilang minuto, bigla nalang nangisay ang lalaki at tsaka nawalan ng malay.
Nilalaman pala
ng supot ang 100 piraso ng methamphetamine pills, isang ilegal na droga na
nagsisilbing stimulant.
Mabilis
namang isinugod sa ospital ang lalaki at dito nadiskubre ng mga doktor ang supot
na may durog-durog nang tabletas.
Kaugnay nito,
nag-agaw buhay na ang suspek subalit nakarekober siya at nakatakdang humarap sa
patong-patong na kaso
Nabatid na
siya pala’y may nauna nang kasong kaugnay sa ilegal na droga.
0 Comments