Gaganapin sa
kauna-unahang pagkakataon ang “sperm race” sa Hollywood Palladium sa Los
Angeles, California sa April 25.
Kung saan,
isang paraan ang “Sperm Race” upang gawing malusog ang reproductive health habang
tinutugunan ang bumababang rate ng fetility.
Ang “sperm
race” ay inorganisa ng Sperm Racing, isang startup na itinatag ng isang grupo
ng mga batang milyonaryo.
Kaugnay nito,
inanunsyo ng grupo na ang mga kinatawan mula sa dalawang kalahok na mga
paaralan ay magbibigay ng microscopic swimmers para sa inaugural Sperm Race.
Isasailalim
ang paligsahan sa isang microscopic camera na magsusubaybay sa progreso ng
sperms habang sinusubukan nilang tumawid sa finish line.
Nakatakdang
gumawa ng kasaysayan ang “sperm race” bilang unang competitive sperm motility
showdown sa buong mundo.
Dagdag pa
rito, inaasahan na mahigit 1,000 na mga spectators ang magtitipon-tipon para sa
naturang event.
Samantala, binigyang-diin
ni co-founder Eric Zhu na ang sperm racing ay hindi lang tungkol sa pagkarera
ng mga sperm kundi “It's about turning health into a competition. it's about
making male fertility something people actually want to talk about, track and
improve."
0 Comments