Opisyal nang
kasado ang nasa 18 mga pares ng mga Mangyan mula sa tribung Alangan matapos
isagawa ang mass wedding nitong Martes ng hapon.
Ngunit, ang pinakakaiba ay sa halip na sa pangkaraniwang lugar ginanap ang kasal, nangyari ito sa isang kagubatan sa Sitio Makambang, Brgy. Poblacion sa probinsya ng Occidental Mindoro.
Sabay-sabay na
kinasal ang 18 pares ng mga katutubo sa pangunguna ni Mayor Bong Marquez
kasabay din ng pagdiriwang ng Earth Day.
Bago magsimula
ang kasal, nagtanim muna ng mga puno ng Narra ang bawat magkapareha bilang
pagsunod sa ordinansa ng bayan na nag-uutos ng pagtatanim ng puno bilang bahagi
ng mga kasalang sibil.
Ang isinagawang
Civil tribal mass wedding sa ilalim ng mga puno ng mahogany ay sumisimbolo sa
matatag na pagmamahalan ng bawat magkapareha.
Kaugnay nito,
tugon rin ito sa kahilingan ng bawat katutubo nag awing legal ang kanilang
pagsasama.
0 Comments