Nakadiskubre
ng paraan ang mga estudyante sa Occidental Mindoro State College na gawing samalamig
ang mga sibuyas.
Sa isang post
ng Flying Ketchup, layunin ng mga estudyante na makatulong sa mga magsasaka
kung sakaling bumagsak ang presyo ng mga sibuyas.
Ang “onion
ice cream” ay gagawin sa pamamagitan ng Food Processing Center sa ilalim ng
College of Agriculture ng naturang eskwelahan.
Ayon kay
Arvin Jonathan Flores, head researcher sa likod ng nasabing produkto, may ilang
sibuyas aniya ang hindi nabebenta sa merkado dahil sa maliit nitong sukat kung
kaya’t naisipan nilang gawin itong ice cream lalo na’t summer season na.
"Malaking
tulong sa mga farmers kapag bumaba ang presyo, kapag meron silang mga produce
na hindi marketable yung mga sizes," aniya sa isang panayam.
0 Comments