Napagkamalang nawawala ng mga pulis sa New Zealand ang 11-anyos na batang babae dahilan na tinurukan ito ng anti-psychotic drugs at dinala sa mental health ward.
Sa ulat, ang batang babae ay tumatawid ng tulay sa northern Hamilton city nang dumaan ang police car at napagkamalan na siya ang nawawalang 20-anyos na babaeng pasyente ng isang ospital.
Dinala ng mga pulis ang nakitang babae sa ospital kung saan siya ay pinasok sa isang “intensive psychiatric care unit” sa kabila ng suhestyon ng isang nurse na siya ay kamukha ng isang bata.
Ayon sa ministry of health, mayroong kapansanan ang batang babae dahilan na hindi nito naipagtanggol ang sarili at naipaliwanag ang gustong sabihin.
Tinurukan pa ang bata ng anti-psychotic medication na bihirang ibigay sa mga bata matapos itong tumangging uminom ng mga gamot na inialok ng mga staff.
Dagdag pa rito, tila matanda umano kung itrato ng mga staff ng naturang ospital ang batang babae ng isagawa ang pagturok.
Tumagal ang babae ng 12-oras sa ospital bago pa mapagtanto ng mga pulis ang kanilang maling ginawa at agad na tinawagan ang pamilya nito.
Humingi naman ng pasensya ang pulisya sa bata maging sa pamilya nito sa trauma at pag-alala na kanilang idinulot.
Dahil dito, agad na nagsagawa ng imbestigasyon si New Zealand Prime Minister Christopher Luxon ukol sa insidente.
0 Comments