Patay ang
apat na turistang sakay ng isang cable car nang ito’y bumagsak sa isang bundok
na malapit sa Naples sa southern Italy, ayon sa mountain rescue services at mga
firefighters.
Nangyari ang
aksidente sa Monte Faito, isang tuktok sa paligid ng 45 kilometro (28 milya)
timog-silangan ng Naples.
Ayon sa mga
report, isa sa mga cable na sumusuporta sa cabin ay bigla nalang pumutol dahilan
ng pagbagsak ng naturang cable car.
Samantala, maswerte
namang nailigtas ang 16 na mga pasaherong sakay ng cabin na naantala sa mid-air
malapit sa dulo ng bundok sa pamamagitan ng harness.
0 Comments