Naka-develop
ng isang abot-kayang painkiller ang University of the Philippines Manila na gawa
sa yerba Buena o mas kilala bilang marsh mint o spearmint.
Ayon kay
Cecilia Maramba, director ng Institute of Herbal Medicine ng unibersidad, na
naghahanap sila ng alternatibong paraan upang maibsan ang sakit at natagpuan
nila sa mga karaniwang ginagamit ng traditional healers ang yerba Buena.
Nakitaan ang
yerba buena ng ilang mga analgiesic components na makakatulong na maibsan ang
sakit.
Sinubukan din
ang naturang tanim sa apat na pasyenteng nakakaramdam ng sakit kung saan makalipas
ang 30-minuto hanggang isang oras ay hindi na sila nakakaramdam pa ng sakit.
Napag-alaman
na tumatagal ng hanggang 13-oras ang pagiging epektibo ng nasabing halamang gamot.
Bagama’t
nakitaan ito ng potensyal ay hindi pa ito handa para sa mass production sa
bagong teknolohiya at pag-secure ng property rights.
0 Comments