LALAKING KABABATA NG AMA, HINOSTAGE ANG 2-ANYOS NA BATA

 


Patung-patung na reklamo ang kakaharapin ng suspek matapos nitong managa at mang-hostage Roque 2 sa Barangay Pasong Tamo sa Quezon City.

Sa ulat, bigla na lang pumasok ang 41-anyos na suspek sa bahay ng biktima at nag-amok kasama ang ama ng bata.

May dalang itak ang suspek na kaniyang iwinawasiwas at tsaka ginawang hostage ang batang 2-anyos.

Sinunod ng mga magulang ng biktima ang hiling ng suspek. Kabilang na rito ang pagsakay sa jeep papuntang Los Baños, Laguna.

Habang binabagtas ang Visayas Avenue ay nakasunod sa kanila ang mga operatiba ng Holy Spirit Police Station na rumesponde sa insidente.

Pagdating sa Elliptical Road corner Quezon Avenue ay nahuli ang suspek at kinuyog ito ng taumbayan.

Agad namang naligtas sa kamay nito ang biktimang 2-anyos na nagtamo ng gasgas sa dibdib.

Ginamot naman ang nanay ng bata na nagtamo ng mga suntok sa panga at dibdib habang ang ama ay nataga sa kanang braso.

Nang nakasakay na sa police mobile ang suspek ay hindi pa rin ito nagpaawat at nagawa pa nitong basagin ang salamin ng sasakyan.

Samantala, nakuha naman sa suspek ang isang itak at isang kutsilyo.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog