MAG-ASAWA, PATAY SA AMBUSH SA MAGUINDANAO DEL NORTE; PHILIPPINE ARMY, KINONDENA ANG KRIMEN

 



Patay ang mag-asawa sa pananambang ng mga hindi pa nakikilalang mga kalalakihan sa Maguindanao del Norte nitong Miyerkules, Marso 26, 2025.

Sa ulat, kinilala ang biktima na sina Bai Maceda Lidasan Abo, election officer ng Datu Odin Sinsuat, at ang kanyang mister na si Jojo abo.

Nakasakay ang mag-asawa ng kanilang SUV ng bigla silang tambangan sa Barangay Makir.

Dead on the spot ang asawa ng opisyal habang namatay naman sa ospital ang election officer habang ginagamot.

Nangyari ang pag-atake isang araw lang ang nakalipas matapos tambangan ang sasakyan ng isang dating barangay official sa kalapit na barangay Taviran, na ikinasugat ng dalawa katao.



Sa kabila nito, mariing kinondena ng 6th Infantry (Kampilan) Division, Philippine Army at ng Joint Task Force Central ang nangyaring pagpaslang sa opisyal ng Comelec at sa asawa nito.

Ayon sa pahayag ng 6th Infantry Division, ang nasabing krimen na pagpatay laban sa mga sibilyan ay nagdudulot ng banta sa integridad ng kanilang democratic processes lalo na sa paparating na 2025 Midterm Elections.

Dahil dito, mas hinigpitan pa ang pagbabantay at seguridad sa lugar pati nakakalat na din ang checkpoint inpsections upang matugis ang mga salarin at hindi na maulit pa ang nasabing karahasan.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog