[TRIGGER WARNING: SENSITIVE CONTENT/VIOLENCE] 3-ANYOS NA BATANG BABAE, GINAHASA AT SINAKSAK BAGO PINATAY






[TRIGGER WARNING: SENSITIVE CONTENT/VIOLENCE]


Patay ang isang 3-anyos na batang babae matapos itong pagsamantalahan at pinatay ng sariling nakakatandang kapatid sa Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Sa ulat, natagpuan na lamang ang biktima na hubo’t hubad at duguan sa isang copra dryer o pugon nitong Huwebes ng hapon.

Sinasabing hinampas umano ng bakal, sinaksak at ginahasa pa ang bata ng 17-taong gulang nitong kuya na napag-alamang nasa impluwensya ng nakakalasing na inumin.


Ayon kay Police Corporal Jeffrey Angeles, investigator, nakitaan ng parang saksak sa noo ang bata na agad namang inamin ng suspek na siya ang may gawa gamit ang maliit na kutsilyo.

Pahayag ng suspek na nagawa nitong saksakin ang noo ng biktima dahil sa sobrang ingay nito habang pinagsasamantalahan ito.

Hindi naman lubos akalain ng ilan ang kalunos-lunos na sinapit ng bata sa kamay pa mismo ng kaniyang kuya.


Kaugnay nito, lumalabas sa resulta ng post-mortem examination, nakitaan ang bata ng laceration sa ari nito bago ito inilibing.

Sa ngayon, nakatakdang haharap sa kasong rape with homicide ang suspek matapos itong madakip ng mga residente ilang metro ang layo mula sa pinangyarihan ng krimen.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog