Sugatan ang pitong mga sibilyan nang aksidenteng naihulog
ng isang Air Force fighter jets ang walong bomba sa labas ng training range.
Ayon sa militar, mayroong live-fire drill ang army ng
South Korea at Air Force kasama ang mga sundalo ng U.S. sa Seungjin Fire
Training Field sa Pocheon, Gyeonggi Province malapit sa inter-Korean border.
Sa gitna ng drill, aksidenteng nailabas ng KF-16 fighter
jets ang walong MK-82 na mga bomba sa labas ng training ranger dahilan ng pagkakasugat
ng pitong indibidwal.
Malubha naman ang naging kondisyon ng apat sa pitong
nasugatan.
Maliban dito, nadamay din sa aksidente ang pagkawasak ng
pitong mga gusali sa lugar.
Dahil dito, nagpaabot ng paumanhin ang Air Force sa
nangyari at nangakong gagawin ang lahat ng kinakailangang hakbang kabilang na
ang ang pagbabayad ng kabayaran para sa mga pinsala.
0 Comments