![]() |
Photo Courtesy | PNA |
Nasakote na ng mga awtoridad ang isang South Korean na
tumakas sa matapos dumalo sa kaniyang pagdinig sa korte noong Marso 4.
Ayon sa Bureau of Immigration, naaresto ang suspek na si
Na Ikyeon, 28-anyos, sa Angeles City, Pampanga limang araw matapos makatakas.
Dinakip din ang kasama nitong si Kang Chang Byeong na
pinaniniwalaang responsable sa pagplano ng pagtakas ng suspek.
Si Na ay wanted sa kaniyang bansa dahil sa panloloko ng mga
investment.
Sinabi pa ng ahensya na naaresto si Na noong Mayo 31,
2023 at ikinustodiya muna habang hinihintay ang nakatakdang pag-deport.
Ngunit, ipinagpaliban muna ang nakatakdang deportation nito
habang nakabinbin pa ang pagresolba sa kaso nitong estafa na inihain ng isang
Filipino complainant sa Quezon City Prosecutor’s Office.
0 Comments