2 NPA REGIONAL LEADERS, PATAY SA ENGKWENTRO SA NEGROS

 


Patay ang dalawang kinikilalang regional leaders ng New People’s Army (NPA) sa sagupaan sa mga sundalo ng 79th Infantry Battalion ng Philippine Army sa hinterlands ng Cadiz City, Negros Occidental nitong Sabado.

Sa report, nakilala ang mga patay na sina Hans “Jojo” Ponteras, umaaktong regional front secretary at finance officer ng Regional Taxation Implementing Group ng Komiteng Rehiyon-Negros, Cebu, Bohol, Siquijor; at Marissa Pobresa, dating squad member at naging primary staff ni Ponteras at ang unit’s regional communications officer.

Ayon kay Lt. Col. Arnel Calaoagan, commander ng 79IB, ang pagkamatay ng naturang mga miyembro ng NPA ay maituturing na malaking kabiguan para sa komunistang grupo sa Negros at sa buong rehiyon ng Visayas.

Nangyari ang bakbakan sa Hacienda Paraiso, Barangay Caduha-an kung saan nakalaban ng mga sundalo ang nasa pitong mga rebeldeng NPA.

Maliban sa dalawang katawan ng patay na NPA, narekober pa ng mga sundalo ang ilang mga armas, granada, at ilang mga dokumentong salungat sa pamahalaan kabilang na ang letters ng pangingikil na umano’y pirmado ni Ponteras sa ilalim ni alias “Armando Magbanua”.

Samantala, wala namang naitalang casualty sa panig ng militar.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog