SABAW SA HOTPOT SA ISANG KAINAN SA CHINA, INIHIAN; 2 BINATILYO, ARESTADO

 


Kulungan ang kinasadlakan ng dalawang binatilyo matapos na nahuling umihi sa hotpot ng isang kainan sa China.

Sa report, parehong 17-anyos ang dalawang binatilyo nang kumain sa isa samga branches ng Haidilao sa Shanghai, China. Sinasabing nalasing ang dalawa at naihi sa isang hotpot.

Bigo naman silang napigilan ng naka-duty na mga empleyado at nalaman na lang nang mag-viral ang video sa social media kung saan nakunan ang dalawa na inihian ang isang hotpot.

Hindi naman malinaw kung mayroon bang mga customer ang nakainom ng sabaw na may ihi maging kung ito ba ay nilinisan ng maigi at na-disinfect bago gamitin ng susunod na customer.

Sa kabila nito, tiniyak ng Haidilao sa mga customer nito papalitan ang lahat ng hotpot equipment at dining utensils pati na magsasagawa sila ng disinfection sa iba pa nilang gamit sa kusina at sa pagkain.

Nag-alok din ang management ng buong refunds at cash compensation na sampung beses mula sa halagang binayad ng mga apektadong customers na nag-dine sa pagitan ng Pebrero 24 at Marso 8.

Nagsampa na din ng reklamo ang Haidilao sa dalawang binatilyo na gumawa nito.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog