Tinawag na “accidental
injury” ang sinapit ng isang lalaki sa Memphis, Tennessee matapos itong
aksidenteng mabaril ng kaniyang alagang aso.
Ayon sa pulisya,
nakahiga sa kama at natutulog ang lalaking amo habang katabi nito ang nobya
nang bigla nalang tumalon papunta sa kanila ang alagang pit bull na aso na kinilala
kay “Oreo”.
Hindi naman
sinasadya ng aso na maapakan at sumabit sa kuko nito ang gatilyo ng baril
dahilan na tinamaan ang lalaking amo sa hita.
Mabilis naman
siyang dinala sa ospital at nakaligtas sa peligro.
Sinabi naman
ng nobya ng lalaking amo na talagang makulit ang asong si Oreo kung saan gustong-gusto
aniya nitong magtatatalon-talon.
Dahil dito,
nagpaalala ang awtoridad na tiyaking naka-safety o gumamit ng trigger lock sa
baril upang maiwasan ang kaparehong pangyayari.
0 Comments