Mariing
kinondena ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic
Resources (DA-BFAR) ang pagpatay sa buntis na blue shark na naispatan sa Brgy.
Cabayawa, Tubay, Agusan del Norte nitong Martes, Marso 18, 2025.
Batay sa
inisyal na imbestigasyon ng BFAR Caraga, ang naturang blue shark ay may haba na
2.76 meters at 0.53 meters na lapad.
Sinasabing
napagkamalan ang naturang isda na isang malaking tuna o marlin dahilan na
inatake ito ng mga beachgoers at hinuli ang nanghihinang pating na nadiskubreng
may kawit sa bibig at mga
sugat sa ulo at buntot.
Nagsimula na ding
mangitlog ang nasabing pating kung saan nakapaglabas ito ng kabuuang 30 na mga
baby shark at 29 rito ay matagumpay na naibalik sa dagat.
Paalala naman
ng DA-BFAR Caraga sa publiko na ilegal ang pangingisda, saktan o ibenta ang mga
protected shark species at iba pang marine wildlife tulad ng manta rays,
dolphins, whales, dugongs, at sea turtles alinsunod sa Philippine Fisheries
Code, Republic Act (RA 8550), na amended ng RA 10654.
Sinumang mapatunayan
na nanakit o pumatay ng protected shark species o iba pang marine wildlife ay
paparusahan ng multang nagkakahalaga ng hanggang P500,000 o aabot pa sa
P5-milyon.
Kapag namang
mahatulan sa korte, ang akusado ay paparusahan ng twelve (12) years at (1) day hanggang
20 years na pagkakakulong at multang katumbas ng dalawang beses sa administrative
fine.
Samantala,
hinikayat pa ng ahensya ang LGUs, mga mangingisda, at komunidad malapit sa
dalampasigan na irespeto at protektahan ang marine wildlife.
0 Comments